Free RC4407-SPA_page1 - Canada


File Size: 124.3 kB
Pages: 2
Date: March 17, 2008
File Format: PDF
State: Canada
Category: Tax Forms
Word Count: 738 Words, 4,613 Characters
Page Size: Letter (8 1/2" x 11")
URL

http://www.cra-arc.gc.ca/E/pub/xi/rc4407/pdf/rc4407-tag.pdf

Download RC4407-SPA_page1 ( 124.3 kB)


Preview RC4407-SPA_page1
Pag-aaralan. Patunayan at Kumilos
Para maalagaan ang sarili sa pandaraya, ang CRA ay magpapayo na sundin mo ang mga paalala sa ibaba: Pag-aralan at Patunayan Patunayan na ang kawanggawa na nagsasaad na nakalista sa CRA ay talagang nakalista. Tingnan ang CRA Charities Listing sa www.cra.gc.ca/donors o tumawag sa 1-800-267-2384. Magsaliksik na ikaw ay makakatanggap ng opisyal na katunayan sa iyong donasyon kung gusto mong maangkin ng kredito sa buwis. Ang katunayan sa buwis ay dapat ay tiyak ang partikular na kahilingan. Para sa karagdagang kaalaman bisitahin: www.cra.gc.ca/donors Tanungin ang kawanggawa kung anong mga gawain ang iyong donasyon ang kanilang tinatangkilik. Siguruhin na alam mo kung ano ang iyong pinagbibigyan. Kadalasan ang mandarayang kawanggawa ay gumagamit ng mga pangalan katulad ng tanyag at kagalanggalang na kawanggawa. Magiingat sa mga panukala na nangangako na ang iyong matitipid sa buwis ay mahigit pa sa iyong ibinigay,ng sa ganoon ay pahintulutan kang kumita sa iyong pagbibigay sa isang nakalistang kawanggawa. Para sa buong mga bagay-bagay, tingnan ang bahagi sa magingat sa mga nagbibigay sa www.cra.gc.ca/donors. Itanong mo sa sarili: Ako ba ay nasisiyahan na ang aking donasyon ay magtatangkilik sa gawain ng mga tunay na kawanggawa?

Kumilos Isulat sa mga tseke kabayaran sa kawanggawa, hindi sa tao o kaya ay tiyakin na ang iyong pagbabayad sa online ay walang panganib. Tumangging magbigay kung mayroon mga hudyat ng pandaraya, tulad ng hindi tamang presyon para magbigay agad o kaya ay nag-aalok ng katunayan na mahigit pa sa iyong ibinigay. Isumbong ang pandaraya sa PhoneBusters, sa Canadian Anti-Fraud Call Centre, sa 1-888-495-8501

Pagbibigay sa kawanggawa
Pagbibigay alam sa mga nagbibigay

Para sa Karagdagang Kaalaman
Maraming bigay- kaalaman ang makukuha sa CRA Website sa www.cra.gc.ca/donors. Hindi online? Tawagan kami sa walang bayad! 1-800-267-2384 (para sa paglilingkod sa Ingles) 1-888-892-5667 (para sa paglilingkod sa Pranses)

RC4407-TAG Rev. 08

Nakalistang mga kawanggawa at mga Matitipid sa Buwis
Ang Canada Revenue Agency (CRA) ay ang nagsasaayos ng mga nakalistang kawanggawa sa ilalim ng Batas sa Buwis sa Kita. Sa ilalim nitong batas, mga bigay sa nakalistang kawanggawa ay makakatulong sa inyo para makabawas sa buwis sa kita. Ang kredito sa buwis ay kinakalkula bilang bahagdan ng nararapat na halaga ng donasyon na iyong ginawa. Alam mo ba? Hindi mo kailangan na angkinin ang lahat ng donasyon na ibinigay mo ngayong taon na ito sa iyong kasalukuyang taon na pagbabayad ng buwis. Maari mong angkinin sa anumang susunod na limang taon, pero maari mong angkinin minsan lamang. Maaari mong pagsamahin ang iyong resibo sa iyong asawa o sa iyong kinakasama at angkining lahat sa isang pagbabayad para mapalaki ang iyong kredito.

Ang Katunayan sa mga Ibinigay
Kailangan mo ang katunayan para maangkin sa kredito sa buwis ang iyong donasyon Bilang nagbibigay, kailangan mong matiyak na ang katunayan aynagkakaroon ng mga sumusunod na bigay kaalaman: Isang paglalahad na ang katunayan ay "opisyal na katunayan para sa paglalahad ng buwis sa kita"; Pangalan mo at tirahan; Ang pangalan at ang Negosyo, Numero/ Numero ng Listahan ng kawanggawa; Ang nararapat na halaga ng iyong donasyon; Ang petsa ng donasyon (ang taon ay sapat para sa donasyon na pera); Ang CRA na pangalan at Website; at bukod tanging seryal na numero Nakasalalay sa uri ng iyong donasyong ginawa o kaya ay nakatanggap ka ng kalamangan kapalit sa pagbigay mo ng donasyon, ang iyong katunayan ay mangangailangan ng karagdagang pag-uulat.

Web site ng CRA at mga Listahan ng mga Kawanggawa
Ang Website ng CRA aynakakatulong na bigay kaalaman na tinatawag Pagbibigay sa kawanggawa: Paalam sa mga nagbibigay. Itong laging ginagamit na kaalaman ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa pagtitipid sa buwis, katunayan sa donasyon, ang tuntunin sa kawanggawa at papaano maging isang nakakaalam na nagbibigay. Pagbibigay sa kawanggawa: Bigay alam sa mga nagbibigay ay ipinaliliwanag kung papaano magsaliksik sa CRA ng mgaListahan ng Kawanggawa para sa kaalaman sa isang partikular na nakalistang kawanggawa. CRA Listahan ng mga Kawanggawa ay nasa online, ito ay mahahanapan na listahan ng lahat ng mga nakalistang kawanggawa sa buong Canada. Paggamit ng listahan, magagamit mo ang Registered Charity Information Return sa isang partikular na kawanggawa. Dito nasasaad kung sino ang nakakapagbigay alam, paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay kaalaman sa pananalapi tulad ng gastusin, mga pag-aari at mga pagkakautang. Puntahan ang www.cra.gc.ca/donors para magsaliksik sa mga listahan.